Why Invest into Crpytocurrencies - Volatility Bitcoin Exchange Traded Fund

120 Views
Published
Author / Credits: Ellanie Tucay Valerio

The market is fairly new and an extremely volatile market.

10 taon na ang BITCOIN, pero sa BAGO PA DIN ito karamihan ng mga tao hindi lang dito sa Pilipinas kundi sa buong mundo. Kapag nagsalita ka sa harap ng maraming tao tungkol dito, iisipin ng mga tao, baliw ka. At sa mga taong na-scam na dahil sa Bitcoin, SCAMMER ka. prices and go up and down right before your eyes.
Malamang sasabihin mo sa akin: “Tina, nakadrugs ka ba? Bakit sasabihin mo sa akin ngayon na mag invest ako sa isang bago at pagbago-bagong merkado?

Ang sagot ko: Yan mismo ang dahilan bakit tingin ko kailangan mong mag-invest sa Cryptocurrency. HINDI AKO NABABALIW. Narinig nyo ba ang mga salitang “PIONEERS” at “EARLY ADAPTERS”. PIONEERS ang tawag sa mga taong nangunguna sa pgababago at EARLY ADAPTERS naman ang tawag sa mga taong sumasabay sa mga pagbabago at ginagawa ang pagbabago na ito. Ang mga taong ito ang nakakakuha ng benepisyo na mararanasan lang ng mga taong sumali o sumama ng maaga sa mga pagbabago. Isa na dito ay ang makabili ng Crypto kung kailan napakamura pa lamang nito. Imagine kung nakabili ka ng kahit na isang bitcoin nung mga panahon na iniisip pa ng mga tao na “WALA LANG ITO” at “WALANG HALAGA ITO”.

Siguro iniisip mo ngayon, “Okay, Tina may point ka. Pero paano naman yung pabago-bagong market nito. Seryoso ka ba dyan?”. Sa Mga matagal nang involved sa Cryptocurrency, tatawanan pa nila ang VOLATILE MARKET ng Crypto. Bakit kamo? Dahil ito ang mismong dahilan kung bakit pwede kang magkaroon ng matataas na returns PER TRADE. Kapag magaling ka mag-analyze ng market, usual return mo na ang 100%, pero it can go as high as 500 -1000%. Hindi katulad ng stock market na kapag lumagpas lang ng 50% ang ang pag-PUMP o pag-DUMP ng market e humihinto na sila dahil “UNUSUAL” na activity ito. Sa cryptocurrency, ito ang normal na makikita mo dahil nga bago pa lang ang involved dito. kaya konting activity lang, malaki na ang epekto nito sa market.

Kaya napaka-importante para sa atin ang aralin at intindihin ang market na ito. Oras na maging mindset natin ang matuto kesa ang kumita ng pera, lumiliit ang chance na magkamali tayo at tumataas ang chance na maging successful tayo. Kayo kahit na gano pa kadalas magpabago-bago ang market ng cryptocurrency, hindi na lang basta “risk” ang ginagawa mo, kundi isang CALCULATED AND EDUCATED RISK. Napaghahandaan mo ang mga posibleng mangyari sa investment mo. Kaya the volatile market becomes an advantage rather than a disadvantage.
Category
Crypto Trading
Tags
bitcoin exchange traded fund
Be the first to comment